-
Badtrip. Namamalat ung face ko. Kainis. Sana bukas hindi na sya mamalat para hindi na ako mahiya lumabas. Nakakahiya kasi namamalat e. Haha. Pero maganda paren ako. Choss. Namamalat lang naman sa may pisngi e.
-
JUNE 1 ka ba? … … … . . Kasi, I JUNE 1 na lose you.
-
(^___^)
Well. Birthday kahapon ng kapatid kong bunso. Happy Birthday Jayson! Kaya yun pumunta kami ng SM Makati para mag gala. Sempre nagsimba muna kami para magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessing na dumating at darating pa. After nun pumunta kami sa MAC para magdownload ng Games at Music para sa Iphone 4s ko. Kaso ang daming tao kaya medyo mabagal ung Wifi. Tapos medyo boring pa. Walang Gwapo e. Choss lang. Kaya un umalis nalang kami dun. After nun bumili kami ng Cake sempre part ng Birthday celebration ang Cake diba? Haha. Maya maya nagtxt saken si 9teen. Grabe namiss ko sya ah. Ilan weeks din syang hindi nagtxt at nagparamdam saken. Sempre natuwa ako kasi ng txt sya at may kunting inis. Badtrip e. Hindi man lang gumawa ng paraan para itxt ako. “Kung gusto may paraan, Kung ayaw may dahilan.” Tama naman diba? Kaya un inaway ko sya. Naiinis ako e. Hanggang sa part na nagkasagutan kami pero nagkaayos din. Haha. Drama namen noh ! Ganyan talaga.
Kumain din kami sa Pizza Hut pag katapos bilhan ng regalo si Jayson at ng Cake. Grabe namiss ko ung Pizza. Tagal ko din hindi nakakain ng Pizza noh ! Mas namiss ko toh kaysa sa kanya. Ou na masama na ako. Pero joke lang un. Haha. Mas namiss ko sya in-fairness. Haha. Umuwi na kami sa bahay after nun.
-
Yung mga kaibigan mong plastik sa iba, napapaisip ka tuloy kung pati ikaw baka pinaplastik lang din.
-
Birthday bukas ng Little Bro ko. Haha. Mag gagala kami bukas dahil mag cecelebrate na kami. Excited na ako. :))) Geh Nuod muna ako ng PBB.
-
-
Txt ni Kim (pinsan ko) at Crush ko.
-
Kim:
Bket 12?
-
Sya:
Wala yun Favorite # ko Yun..
-
Kim:
weh?
-
Sya:
Uu nga, Im still being single..
-
Kim:
weh?
-
Sya:
Uu nga ! Ayaw pa Maniwala
-
Kim:
Seryoso ka kay ate janette?
-
Sya:
Uu ..
-
Kim:
weh?
-
Sya:
Uu nga ! kuLit !
-
Kim:
Dinga ?
-
Sya:
Bahala ka Kung Ayaw mo Maniwala.
-
Booooooooooooom!!!
-
He Loves me! <3
-
Haha. :
""">
-
Sipag ko kanina naglinis ako ng kabinet ko. Habang naglilinis sempre soundtrip para hindi boring. Haha. Sino ba naman gaganahan maglinis pag msyadong tahimik. Siguro ung iba pero ako hindi gusto ko may maririnig akong tugtog. Nung naglilinis ako ng ng kabinet ko, may nakita akong notebook. Ung notebook pala namen ng ex ko si 24. Haha. Sempre binasa ko ung mga nakasulat. Korne pala namen dati pero sweet. Natatawa nga ako habang binabasa ko e. Tapos meron part dun na sulat na nung nag-away kasi as in ung nagbreak na kami. Haha. Nagkipagbreak ako dahil sa picture. Hindi ko na nga maalala e. Dahil lang sa picture na pinunit nya ata. Ewan ko hindi ko na kasi maalala e. Natatawa ako ganun lang kababaw. Siguro kaya un dahilan ko kasi hindi ko na talaga sya mahal. Baka na wala na ng tuluyan feelings ko. Gusto ko tuloy malaman kung ano ung pic na un. Nahihiya naman ako kung sa kanya ko itatanong. Diba kasi medyo awkward siguro. Haha.
-
Dati naiinis ka kasi text sya ng text. Ngaun hindi na sya nagpaparamdam sayo hinahanap hanap mo sya -_-”
-
Pag gumawa ka ng tama, konti lang nakakaalam at agad pang nalilimutan pero pag nagkamali ka kalat agad at nakatatak na sayo.
-
In-fairness. Nakakaadik pala magbasa ng story sa wattpad. Lalo na ung about sa mga Girl na maganda tapos magpapanggap na NERD para makahanap ng true love. Ung bang hindi titignan ang physical appearance nya kundi ang inner beauty nya. At ung mga Gangster na nainlove at naging matino. Grabe nakakatuwang basahin. Pinaka favorite ko at as in nagustuhan ko talagang kwento ay ung She’s Dating The Gangster. Promise ang ganda ng story nya. Gwapo ni Kenji. Haha. (^___^). Ang dami ko ng nabasang kwento sa wattpad ung iba bitin ang story pero maganda at ung iba naman hindi pa masyadong updated. Busy ata ung mga author e. Sana ma update na ung sa I’m The Young Master Maid. :))) Sempre ang lagi kong kasama magbasa ng kwento sa wattpad ay ang pinsan ko (Anne). Pareho kaming kinikilig at laging excited magbasa ng kwento sa wattpad. Minsan nga nagpupuyat pa kami para lang matapos ung story na binabasa namen. Adik much !
Next